^

Bansa

3 Pinay wagi vs mag-asawang recruiter

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Nakakuha na ng hustisya ang tatlong Pinay na isinadlak sa prostitusyon matapos hatulan ng Malaysian court ng 8 taong pag­kabilanggo ang isang Pinay at mister nitong Malaysian na nag-recruit at nagpuslit sa kanila sa nasabing bansa.

Sa report ni Ambassador Eduardo Malaya ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur sa Department of Foreign Affairs (DFA), napatunayan ng Jalan Duta Sessions Court 14 noong Oktubre 14 na guilty sa kasong human trafficking ang Malaysian na si Kwong Tuck Choya at misis na Pinay na si Nancy. Pinagmumulta rin ang mag-asawa ng RM30,000 (US$10,000) o RM5,000 (US$1,666) sa kada akusado.

Sa reklamo ng tatlong Pinay na itinago sa mga pangalang Dynalyn, 23; Rhea, 23; at Sarah, 24, ipinuslit sila sa Pilipinas patungong Malaysia at isinadlak sa prostitusyon noong 2009. 

Nagbigay ng testimonya ang tatlong Pinay laban sa mag-asawang recruiter bago sila umuwi sa Pilipinas.

Samantala, inaaba­ngan na rin ng Embahada ang gagawing criminal prosecution sa isa pang Singaporean national na nakilalang si Alfred Lim na dating may negosyo sa Malaysia matapos na ipagharap ng kasong human trafficking ng dalawang Pinay noong 2009. 

ALFRED LIM

AMBASSADOR EDUARDO MALAYA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DYNALYN

JALAN DUTA SESSIONS COURT

KUALA LUMPUR

KWONG TUCK CHOYA

PHILIPPINE EMBASSY

PILIPINAS

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with