^

Bansa

Drilon kay PNoy: Let's Chacha!

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Kukumbinsihin ni Sen. Franklin Drilon si Pa­ngulong Benigno Aquino III na suportahan nito ang isinusulong na pag-amyenda sa 1987 Cons­titution.

Ayon kay Drilon, ga­ gawin nila ang lahat para kumbinsihin ang Pa­ngulo na maamiyendahan ang probisyon ng Konstitus­yon na may kinalaman sa ekonomiya.

“We will exert our effort to convince him (President Aquino), that it is high time we take a look at the economic provisions,” sabi ni Drilon.

Nakakatiyak din si Drilon na bagaman at malamig ang pagtanggap ng pangulo sa Cha-cha, nakikinig ang Malacañang sa mga dis­ kusyon kaugnay sa panukalang pag-ami­yenda sa Konstitusyon.

“I am sure that the President has not closed his mind at this point, the latest announcement that we hear from Malacañang is that he is listening,” sabi pa ni Drilon.

Pero aminado rin si Drilon na kung walang suporta ng Pangulo ay tiyak na hindi magtatagumpay ang isinusulong nilang Cha-cha.

“We do realize that without the political support of the President, this will not succeed,” sabi ni Drilon.

Sinabi rin ni Drilon na isa sa maituturing na “advantage” sa pagsusu­long ng Cha-cha sa nga­yon ay ang mataas na kredibilidad ng Pa­ngulo.

Magugunita na tahasang sinabi ni Pangulong Aquino kamakailan na hindi siya pabor sa pam-amyenda sa Kons­titusyon particular ang sinasabing economic provision dahil hindi ito ang mag-aangat sa kabuhayan at ekonomiya ng bansa.

AYON

BENIGNO AQUINO

CHA

DRILON

KONSTITUS

KONSTITUSYON

MALACA

PANGULONG AQUINO

PRESIDENT AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with