^

Bansa

Tigil-pasada ng PISTON minaliit ng Malacañang

-

MANILA, Philippines - Minaliit ng Malacañang ang ginawang transport strike ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opera­ tor Nationwide (PISTON) pero ayon sa PISTON ay naging matagumpay ang kanilang welga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, karamihan sa transport group ay hindi nakiisa sa tigil-pasada ng PISTON dahil naunawaan ng mga ito ang paliwanag ni Pa­ngulong Benigno Aquino III sa ginanap na dialogue nila kamakailan sa Palasyo.

Ayon kay Sec. La­cierda, dismayado sila sa ginawang strike ng PISTON dahil nakipag-usap na sa kanila ang Pangulo noong nakaraang linggo at naging maayos naman ang usapan.

Wika pa ni Lacierda, kakaunti lamang naman ang naapektuhan ng isi­nagawang tigil-pasada ng PISTON dahil wala namang naitalang strike sa region 1, 2, 5 at 7 bukod sa napaghandaan din ito ng gobyerno sa pa­mama­gitan ng pagbi­bigay ng lib­reng sakay sa mga pasahero.

Hindi kaagad sumama si DOTC Sec. Mar Roxas sa delegasyon ni Pangulong Aquino kamakalawa ng gabi patungong Estados Unidos dahil inasikaso muna nito ang trtansport strike saka lamang ito sumunod kahapon kay Pa­ngulo sa US.

Pinanindigan naman ng PISTON sa pangunguna ni George San Mateo na naging matagum­pay ang kanilang tigil-pasada at naipaabot nila ang ka­nilang hinaing laban sa walang-tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ilang miyembro ng Lea­gue of Filipino Students (LFS) na nakiisa sa tigil-pasada ng PISTON ang nagsagawa ng plan­king o paghiga sa kalsada.

Iginiit naman ng LTFRB na halos hindi na­ ramdaman sa kabuuan ang isinagawang tigil-pasada ng PISTON.

Samantala, sinabi naman ng PNP na naging ma­ payapa sa kabuuan ang naging transport strike.    Ricky Tulipat/Joy Cantos/Angie dela Cruz/Rudy Andal

BENIGNO AQUINO

ESTADOS UNIDOS

FILIPINO STUDENTS

GEORGE SAN MATEO

JOY CANTO

MAR ROXAS

PANGULONG AQUINO

PINAGKAISANG SAMAHAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with