4 illegal drugs kayang masuri sa ihi lang - PDEA
MANILA, Philippines - Nilinaw ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na apat na illegal drugs sa pamamagitan ng urinal testing ang kayang kilatisin ng ahensiya at hindi lamang ang napapaulat na shabu at marijuana lamang.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. makabago at high-tech ang ginagamit nilang pangsuri na immuno-assay kit sa PDEA Laboratory Service na may kapabilidad na matukoy sa drug test kung gumagamit ng shabu, marijuana, ecstasy at cocaine at kayang malaman ang resulta sa loob lamang ng limang minuto.
Gayunman, sinabi ni Gutierez na batay sa kanyang obserbasyon, kailangan na ring ma-upgrade ang kapabilidad ng mga drug testing centers kahit na nasa ilalim pa rin ito ng kanilang pangangasiwa.
Pero ang accreditation anya at pangkalahatang superbisyon ng mga drug testing centers ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Department of Health kayat inererekomenda niya sa DOH na ipagamit sa mga accredited drug testing centers ang immuno-assay kit na ginagamit ngayon ng PDEA.
HInikayat din ng Pdea ang DOH na ipagamit din ang immune-assay kit sa LTO para sa mga drivers na kukuha ng drug test dahil hindi lamang marijuana at shabu ang nakikilatis dito kundi pati ang cocaine at ecstasy.
- Latest
- Trending