^

Bansa

284 aksidente sa kalsada, naitala ngayong holiday season

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
284 aksidente sa kalsada, naitala ngayong holiday season
Light traffic was observed along EDSA Guadalupe in Makati on Wednesday during the Christmas festivities.
Ryan Baldemor / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umaabot na umano sa 284 ang mga aksidente sa kalsada na naitala ng Department of Health (DOH) sa isinagawa nilang monitoring ngayong holiday season.

Batay sa datos na inilabas ng DOH kahapon, ang mga natu­rang aksidente ay naiulat simula Disyembre 22 hanggang 6:00AM ng Disyembre 27 lamang, mula sa walong pilot sites na minomonitor ng DOH.

Mas mataas ito ng 9% kumpara noong 2023 sa kaparehong petsa.

Nabatid na 53 naman sa mga naturang insidente ay kinasasangkutan ng mga drunk drivers, 249 ­driver na walang safety accessories, at 196 ang kinasangkutan ng mga motorsiklo.

Kaugnay nito, pina­alalahanan ng DOH ang mga motorista na huwag magmaneho kung inaantok, pagod o nakainom upang makaiwas sa aksidente.

Bago bumiyahe ay dapat tiyakin ng mga motorista at kanilang mga pasahero na sila ay nakasuot ng helmet at seatbelt.

Dapat ring obserbahan ang tamang speed limit at sundin ang mga road signs.

Nagpaalala rin ang DOH na magkaroon ng pito hanggang walong oras na tulog bago magmaneho at iwasan ang anumang distraksiyon gaya ng mobile phones habang nagmamaneho.

Sakaling ma­ngailangan ng tulong o magkaroon ng emergency, tumawag sa 911 emergency hotline o 1555 DOH emergency hotline.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with