Freeze order sa assets ng mga dawit sa POGOs, inutos ng Quad Comm
MANILA, Philippines — Inatasan ng House Quad committee ang Anti Money Laundering Council (AMLAC) na maglabas na ng freeze order sa mga ari-arian ng mga sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
“Criminal syndicates composed of Chinese nationals pretending to be Filipino citizens operate within the country and are responsible for various criminal activities facilitated through POGOs, including human trafficking, internet scams, and money laundering. POGO companies include Xionwei Technology owned by Allan Lim also knows as Wei Xiong Lin together with his wife Rose Nono Lin,” base sa report ni Laguna Rep. Dan Fernandez sa plenaryo bago ang Christmas break ng Kongreso.
Nauna nang lumabas sa magkakaibang imbestigasyon ng Senado, DOJ-NBI, Pesidential Anti-Organized Crime Commission at ng Kamara na ang POGO na Xionwei Technology na pagmamay-ari ni Lin ang nag-operate o nagsilbing service provider ng mga iligal na POGO, kasama na rito ang POGO sa Porac, Pampanga at ang Bamban POGO ni Alice Guo.
Samantala, no show pa rin si Lin sa mga patawag ng Quad Comm subalit nauna na niyang itinanggi ang pagkakadawit sa mga iligal na aktibidad at mga krimeng idinulot ng kanyang mga POGO na tinawag naman itong kasinungalingan ng ilan sa mga miyembro ng komite.
Base sa mga ebidensya at dokumentong nakalap ng komite, palaging present ang pangalan ni Rose Lin sa mga korporasyon na nagpaandar ng mga POGO, kasama ang magkakaparehong personalidad na dawit din sa multi-bilyong Pharmally scandal at sa malawakang illegal drug trade sa bansa.
Bukod sa mag-asawang Allan Lim at Rose Lin, kasama rin sina Alice Guo, Cassandra Ong, at Harry Roque sa rekomendasyon na papatawan ng patung-patong na kaso.
Samantala, magpapatuloy naman ang mas malalim na imbestigasyon ng Quad-comm laban sa iba pang sangkot sa illegal at criminal activities ng POGO pagpasok ng 2025.
- Latest