^

Bansa

SMI malaking tulong sa Cotabato residents

- Ni Rudy Andal -

GENERAL SANTOS CITY, Philippines - Hindi pa man naisasa­katuparan ni Pangulong Aquino ang kanyang Public­-Private Partnership (PPP) projects ay nailunsad na ito ni Tampakan, South Cotobato Mayor Leonardo Escobillo sa kanyang bayan sa tulong ng Sagitarius Mines Inc. (SMI).

Sinabi ni Mayor Escobillo, naisulong niya ang subsidy ng LGU sa edukasyon mula pre-school hanggang high school sa tulong ng SMI gayundin ang paglulusad ng health care sa mga residente kung saan ay hindi lamang libre ang konsulta sa doctor kundi pati ang gamot.

Wika pa ng alkalde, nagkaroon din sila ng training programs sa pakikipagtulungan ng TESDA para sa carpentry, masonry at plumbing kung saan ang unang batch nito ay nakapagtapos na at may nakahanda agad silang mga employer.

Sinabi pa ni Mayor Escobillo sa 2nd batch nito ay mag-aalok naman sila ng welding program,  practical electricity bilang paghahanda sa full operations ng Tampakan Gold-Copper project ng SMI.

Idinagdag pa ng alkalde na inaasahan niyang makakamit niya ang kanyang vision na zero unemployment sa susunod na 5 taon sa sandaling magsimula na ang mining project ng SMI kung saan ay maraming manggagawa ang kanilang kukunin sa proyekto.

IDINAGDAG

MAYOR ESCOBILLO

PANGULONG AQUINO

PRIVATE PARTNERSHIP

SAGITARIUS MINES INC

SINABI

SOUTH COTOBATO MAYOR LEONARDO ESCOBILLO

TAMPAKAN

TAMPAKAN GOLD-COPPER

WIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with