^

Bansa

Presyo ng langis bababa lang kung mahuhuli na si Gadhafi

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hanggat hindi umano nahuhuli si Libyan President Muammar Gadhafi ay hindi maiibsan ang problema sa pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mga susunod na linggo.

Sinabi ni Energy Undersecretary Jose Layug na pataas pa umano ang “trend” sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado taliwas sa inaasahan ng ilang eksperto na bababa na ito dahil sa pagkakatalsik sa pu­westo kay Gaddafi.

Mas mataas ang pres­yo ng langis ngayong linggo kumpara nitong lu­mipas na linggo ngunit umaasa sila sa posibilidad na mag-flat o huminto ito upang hindi labis na maapektuhan ang presyo ng lokal na petrolyo sa bansa.

Ipinaliwanag ni Layug na nangyari na ang biglaang pagbaba ng presyo ng langis sa internasyunal na merkado noon nang mapaslang ng puwersa ng Estados Unidos ang kilabot na terorista na si Osama Bin Laden at pagkakaaresto kay dating Iraq President Saddam Hussein.

Itinanggi naman ni Layug ang akusasyon ng mga militanteng grupo ng sabwatan nila sa mga kumpanya ng langis makaraang paratangan na sila mismo ang nag-eengganyo sa oil hike sa maagang pag-aanunsyo ng pagtaas ng langis.

Iginiit nito na inihaha­yag lamang nila ang kom­putasyon nila base sa ling­guhang presyuhan ng gasolina sa international market upang ma­kapaghanda ang mga motorista.

ENERGY UNDERSECRETARY JOSE LAYUG

ESTADOS UNIDOS

GADDAFI

HANGGAT

IGINIIT

IRAQ PRESIDENT SADDAM HUSSEIN

LAYUG

LIBYAN PRESIDENT MUAMMAR GADHAFI

OSAMA BIN LADEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with