^

Bansa

BFAR, DA may go signal na sa Taal lake

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Itinakda ng Bureau of Fisheries and Aqua­tic Resources (BFAR) ngayong Setyembre ang pagsasaboy ng binhi sa lawa ng Taal, matapos ang ilang buwang pagbabawal ng anumang aktibidad sa naturang lawa dahil sa naganap na fishkill doon.

Ayon kay BFAR Dir. Asis Perez, sa September 9 pangangasiwaan ni DA Sec. Proseso Alcala at ng lokal na pamahalaan na nakakasakop sa lawa ng Taal ang pagsasaboy ng may isang milyong fingerlings ng bangus at 500,000 fingerlings tilapia.

Sabi ni Perez, tinatayang 1,000 mangingisda ang makikinabang sa mga ibibigay na binhing ba­ngus na may sukat na 3 inches at kaya ng mabuhay sa mga palaisdaan.

Habang isasaboy naman sa labas ng mga palaisdaan ang mga maliit na maliputo na endemic o sa lawa lamang ng Taal matatagpuan.

Sabi pa ni Perez, patunay lamang ito na stable na ang oxygen sa Taal at upang hindi na maulit ang pagbagsak ng oxygen sa tubig. May 6,000 fish cages lamang ngayon ang pinayagan ng BFAR para mag-operate sa lawa.

ASIS PEREZ

AYON

BUREAU OF FISHERIES AND AQUA

HABANG

ITINAKDA

LAWA

PEREZ

PROSESO ALCALA

SABI

SETYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with