^

Bansa

77 na namatay sa dengue sa MM

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 77 ang namatay sa Metro Manila mula sa sakit na dengue.

Ito ang nabatid mula kay Department of Health (DOH) Metro Manila Director Dr. Eduardo Janairo kung saan nasa 11, 260 dengue cases na mula Enero hanggang Agosto 11 ang naitala ng tangga­pan na mataas ng 109 por­siyento kumpara noong nakaraang taon.

Ayon kay Janairo, nangunguna dito ang Quezon City na sinundan ng Ca­loocan, Maynila, Pasig at Valenzuela.

Lumilitaw naman sa record ng DOHs Regio­nal Epidemiological and Surveillance Unit (RESU) na nangunguna din ang San Lazaro Hospital, Philippine Children’s Medical Hospital, St. Luke’s Medical Center, The Medical City at Bernardino General Hospital sa may mataas na bilang ng mga tumatanggap ng dengue patients sa Metro Manila.

Kaugnay nito, iniim­bestigahan na rin ng DOH kung mayroon nang mas mabangis na virus ang dengue dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pasyente at ang sintomas na pagdurugo ng mga pasyente.

Ayon sa DOH kailangan ang masusing pagsusuri upang mas mabigyan ng gabay at pag-iingat ang publiko.

Nabatid na ayaw ng lamok na may dengue virus ang kulay dilaw, berde at puti habag madikit naman ito sa mga kulay itim, asul at pula.

Gustung-gusto din umano ng mga lamok sa mapapawis na bahagi ng katawan ng tao tulad ng  binti at braso.

Samantala, sinabi naman ni Dr. Eric Tayag, hepe ng Epidemiology department ng DOH na kailangan ang matagal at masusing pagsusuri upang malaman kung epektibo ang halamang “tawa-tawa” laban sa dengue.

Aniya, hindi pa sapat ang pagsusuri dahil kailangang malaman kung gaano kabisa ang nasabing halamang gamot.

AYON

BERNARDINO GENERAL HOSPITAL

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. EDUARDO JANAIRO

DR. ERIC TAYAG

EPIDEMIOLOGICAL AND SURVEILLANCE UNIT

MEDICAL CENTER

MEDICAL CITY

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with