^

Bansa

Amyenda sa 'excise tax' sinuspinde ng Kamara

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Nagdesisyon na ang liderato ng Kamara na suspendihin ang lahat ng deliberasyon kaugnay sa mga panukalang naglalayong amyendahan ang ‘excise tax law’ partikular ang mga nakabinbin sa House Committe on Ways and Means.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, ang direktiba ay bilang pagtalima ng Kamara sa apela ng Distilled Spirits Association of the Philippines o DSAP na ihinto muna ang mga pagdinig habang isinusulong pa ng pamahalaan ang pagbaligtad ng World Trade Organization sa ruling nito na nagdedeklarang ang local taxes sa distilled spirits ay mayroong diskriminasyon kumpara sa mga dayuhang marka o brand.

Kinumpirma ni Belmonte na personal na nakausap niya ang mga opisyal ng DSAP noong Martes upang hilingin ang suspensyon ng congressional hearings sa mga panukalang nagpapataw ng karagdagang buwis sa mga ‘distilled spirits.’ 

Nauna nang sumulat ang DSAP kina Belmonte at House Committee on Ways and Means chairman Hermilando Mandanas para ihirit na ipatigil muna ang mga pagdinig hinggil sa proposed excise tax amendments. Giit ng DSAP, kina­ka­ilangan nila ng tulong ng Kongreso lalo pa’t sangkot dito ang ‘economic in­terest’ ng bansa. 

Tiniyak naman ni Belmonte na magpapadala ang Mababang Kapulungan ng mga kinatawan sa mga pagdinig ng WTO upang suportahan ang po­sisyon ng Pilipinas na sumasalungat sa inaako ng Spain at Amerika na ang lokal na buwis na ipinapataw sa mga alak at iba pang distilled drinks ay discriminatory.

BELMONTE

DISTILLED SPIRITS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

HERMILANDO MANDANAS

HOUSE COMMITTE

HOUSE COMMITTEE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

MABABANG KAPULUNGAN

WAYS AND MEANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with