^

Bansa

'Shooter' nag-suicide sa firing range

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang masusing im­bestigasyon na ngayon ang isinasagawa ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) upang maberepika kung sadyang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili ang isang shooter sa firing range ng isang kompanya ng baril sa Marikina City, kamakalawa ng hapon.

Sa sketchy report na nakarating sa EPD, kinilala pa lamang ang biktima sa pa­ngalang “Joshua”, nasa pagitan ng edad 30-35 anyos, nakasuot ng short pants, at puting t-shirt. Nagtamo ito ng tama ng bala ng kalibre .45 sa baba na tumagos sa kanyang ulo sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Ayon sa ulat, dakong alas-3 kamakalawa ng hapon nang rumenta ng kalibre .45 baril ang biktima sa ARMSCOR firing range sa Brgy. Fortune, Marikina City. Matapos na makaubos ng 10 bala sa bay #4, muli itong kumuha ng apat pang rounds ng bala at lumipat sa bay #10 ng firing range.

Sinabi ni Pacifico Mendoza, firing range assistant, nagtanong pa ang biktima kung anong oras magsasara ang firing range na sinagot naman nito na alas-5 ng hapon. Nang puputok na ito, nagulat na lamang si Mendoza nang itutok ng biktima ang baril sa sariling baba at agad na ipinutok.

Isinugod pa ang biktima ng mga tauhan ng firing range sa Amang Rodriguez Medical Center kung saan hindi na ito umabot ng buhay.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

AYON

BRGY

EASTERN POLICE DISTRICT

FIRING

ISANG

ISINUGOD

MARIKINA CITY

MATAPOS

PACIFICO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with