^

Bansa

OFW natagpuang patay sa Saudi

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Isang 58-anyos na OFW ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang tirahan sa Dammam, Saudi Arabia.

Ang Pinoy ay nakilalang si Leonardo Bascos, 58, tubong Iloilo at undocumented sa Saudi sa loob ng 10 taon.

Si Bascos ay natagpuan ng kanyang mga ka­samahan na wala nang buhay dakong alas-6 ng gabi kamakalawa loob ng kanyang inuupahang flat sa Dammam.

Mula sa inisyal na medical report, si Bascos ay nasawi sanhi ng “multiple organ failure” na hinihina­lang bunsod sa cancer sa liver o atay.

Ang mga labi ng OFW ay na­kalagak sa  Dammam hospital.

Nabatid na tumungo sa Saudi si Bascos noong 1981 at nagsimulang mag­trabaho bilang painter hanggang sa maging undocumented  ng 10 taon matapos na tumakas sa kanyang amo dahil sa pagmamaltrato at hindi tamang pasuweldo.

vuukle comment

ANG PINOY

BASCOS

DAMMAM

ILOILO

ISANG

LEONARDO BASCOS

MULA

SAUDI ARABIA

SI BASCOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with