^

Bansa

Kudeta vs PNoy silat

- Nina Butch Quejada at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Nasilat ang panawagang pag-aaklas ng isang Marine Colonel laban sa Aquino adminis­tration matapos ihayag ng 135,000 malakas na puwersa ng Armed For­ces of the Philippines na nananatili itong tapat sa liderato ni Pangulong Noynoy Aquino.

Minaliit din ng mga kaalyado ni Aquino sa Kamara ang panawagang kudeta ni Marine Col. Generoso Mariano, dating deputy com­mander ng Naval Reserve Command, na ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone ay pag-aaksya lamang ng panahon.

Ayon kay Evardone, ang ginagawang panghihimok ni Mariano para guluhin ang bansa ay isang anti-Filipino dahil marami pa rin umano sa mga Pinoy ang naniniwala sa pamamalakad ni Aquino.

Kumalat sa Facebook, You Tube at iba pang social networking sites nitong Sabado ng gabi ang panawagan ni Mariano para ibagsak ang gobyernong Aquino dahilan umano sa ‘incompetency’ o kawalan ng kakayahang patakbuhin ang pamahalaan.

“It is the duty, it is the right of every Filipino including soldiers to replace the government. I repeat, replace the go­vernment,” pahayag ni Mariano sa  95-segundong tape message nito na ipinoste sa kaniyang Facebook account.

Dahil dito kaya umapela si Evardone sa AFP na agad na kastiguhin hindi lamang si Mariano kundi ang iba pang opis­yal ng militar na nagbabalak na mag-aklas laban sa gobyerno dahil bukod umano sa hindi ito makakatulong sa bayan ay lalo lamang itong nakakadagdag sa sandamukal na problema ng bansa.

Para naman kay Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) party list Rep. Sherwin Tugna, kung may hinaing sa gob­yerno si Col. Mariano ay dapat na idaan sa ma­­­ayos, ma­payapa, at de­ mokrati­kong proseso tulad ng paghahayag sa media at civil society upang maaksyuna dahil ang kudeta umano ay isang bayolente at po­sib­leng madugong sitwasyon kayat hindi umano dapat humantong sa ganitong paraan.

Sa kasalukuyan ay nasa restricted to custody at nakatakdang magretiro bukas si Mariano, pero dahilan sa ‘video call’ nito na pabagsakin  ang gobyernong Aquino ay maantala muna ito habang isinasailalim sa imbestigasyon. (May ulat ni Joy Cantos)

AQUINO

ARMED FOR

BATTLE AGAINST CORRU

BEN EVARDONE

EASTERN SAMAR REP

EVARDONE

FACEBOOK

MARIANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with