^

Bansa

Obispo magsasauli ng sasakyan, para matigil ang pagbatikos

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines - Upang  matapos umano ang kadadakdak ng Malakanyang, pinayuhan ni Catholic Bishops Conference of the  Philippines -Episcopal Commission on Public Affairs Chairman at Caloocan Bishop Deogracias Iniguez at Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang kanilang mga kapwa obispo na ibalik na ang mga sasak­yang mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office  (PCSO).

Ayon kay Iniguez, ito’y upang hindi na lumaki ang usapin na  pilit na pinalalaki ng mga pulitikong nagnanais lamang na mag- grandstanding.

Giit ni Iniguez, na ka­pag naibalik na ang naturang mga sasakyan ay tiyak aniyang matatapos na ang isyu.

Aniya, kung hindi isosoli ang sasakyan,  hindi matatapos ang isyu at posibleng lumala pa ito na hahantong sa mga haka-haka.

Sinabi naman ni Bastes na dapat lamang na isoli ng  mga Obispo ang sasakyan kung ito ang paraan upang tantanan ng pamahalaan ang pamumulitika sa mga obispo.

Kaugnay nito, disma­yado din si  Bastes sa imbestigasyon kahapon ng senado na aniya’y overkill at pagkaladkad ng mga ito sa pangalan ni Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos na pinalalabas na masamang uri ng obispo.

Aniya, huwag naman sanang  personalin ni P-Noy ang mga obispo na bumabatikos sa kanyang pamumuno dahil  kung mayroon dapat imbestigahan, ito ay ang mga tiwaling pulitiko na nagnanakaw sa kaban ng bayan.

ANIYA

BISHOP DEOGRACIAS INIGUEZ

BISHOP JUAN

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE

DIOS PUEBLOS

EPISCOPAL COMMISSION

INIGUEZ

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with