State visit ni PNoy sa China, tuloy
MANILA, Philippines - Siniguro ni Pangulong Aquino na itutuloy niya ang kanyang State visit sa China sa taong ito.
Ayon sa Pangulo sa ambush interview ng dumalo ito sa anibersaryo ng DFA kamakalawa, nais niyang magtungo sa China upang maayos na rin ang gusot sa West Philippine Sea.
Aniya, maaayos lamang ang isyu sa Spratly islands sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan at isang pinaka-mabisang paraan ay kausapin ang liderato ng China.
Inanunsyo rin ni Aquino na inatasan na niya si DFA Sec. Albert del Rosario bilang sugo ng Pilipinas sa China upang makipag-usap sa mga matataas na opisyal doon para ayusin ang nakatakdang pagbisita ng Punong Ehekutibo sa susunod na mga buwan sa China.
Kahapon ay umalis na sa bansa si del Rosario para sa dalawang araw na pagbisita sa China. (Rudy Andal/Ellen Fernando)
- Latest
- Trending























