^

Bansa

Pichay pinasisibak ng Ombudsman

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro na sibakin na sa  serbisyo at perma­nen­teng diskuwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno ang mga opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA) kaugnay ng grave misconduct na kinakaharap ng mga ito sa tanggapan ng Ombudsman kabilang si LWUA Chairman Prospero Pichay.

Bukod dito, hindi na rin makukuha ng lahat ng benepisyo mula sa gobyerno ang mga kinasuhan na sina Chairman Pichay, Acting Administrator Daniel I. Landingin, Acting Deputy Administrator Wilfredo M. Feleo, at ang kanilang corporate legal officer na si Atty. Arnaldo Espinas.

Ang mga ito ay kinasuhan ng isang Rustico Tutol at iba pa dahilan sa  pagbili ng LWUA sa Express Savings Bank kahit na walang memorandum of agreement (MOA) at pahintulot mula sa Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon pa sa Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) kailangan na sumailalim pa sa pagbusisi ng Department of Finance (DOF) ang mga transaksyon na tulad ng pinasok ng LWUA at ng nasabing bangko.

Sinasabing sa naganap na pagbili ng LWUA sa Express Savings Bank sa halagang P780 milyon, hindi umano ito umaayon sa kapangya­rihan at polisiya ng pa­mahalaan.

Ang pagbili ng LWUA sa naturang bangko noong Oktubre 14, 2009 o apat na buwan matapos na mapasakamay na ng ahensiya ang Express Savings Bank ay inaprubahan ni dating Pangulong Gloria Arroyo. 

ACTING ADMINISTRATOR DANIEL I

ACTING DEPUTY ADMINISTRATOR WILFREDO M

ACTING OMBUDSMAN ORLANDO CASIMIRO

ARNALDO ESPINAS

BANGKO SENTRAL

CHAIRMAN PICHAY

CHAIRMAN PROSPERO PICHAY

DEPARTMENT OF FINANCE

EXPRESS SAVINGS BANK

LOCAL WATER UTILITIES ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with