^

Bansa

Plunder kinuwestyon ni Arroyo

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - “Nasaan ang plunder?”

Ito ang katanungang ibinato ni Negros Occi­dental Rep. Ignacio Arroyo kay dating Solicitor General Frank Chavez kahapon kasabay ng paghaham­bing ng kasong plunder na isinampa nito laban kay dating Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang gimik politikal.

Pinuna ni Arroyo na isa sa mga pangunahing basehan ng plunder ay dapat sa sariling bulsa ng tumanggap napunta ang pera at ginamit ito sa kaniyang personal na pangangailangan.

Subalit hindi naman anya masabi ni Chavez sa kaniyang reklamo na ang pera, na umano’y mula sa fertilizer fund ng pamahalaan, ay sa bulsa ng dating pangulo napunta. Binigyang-diin ni Arroyo na sinabi mismo ni Chavez sa kaniyang rek­lamo na ang mga tu­manggap ng pera ay mga piling congressman, provincial governor at city at municipal mayor.

Kaya bakit dapat managot ang dating pa­ngulo sa plunder kung ang mga tumanggap ng pera ay ibang tao at wala ng dumaan kahit isang sentimo sa kanyang mga kamay,” tanong pa ni Arroyo.

BINIGYANG

CHAVEZ

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

IGNACIO ARROYO

KAYA

NASAAN

NEGROS OCCI

PINUNA

SOLICITOR GENERAL FRANK CHAVEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with