Almendras sa DOTC itinanggi ng Palasyo
MANILA, Philippines - Mariing itinanggi ng Palasyo na si Energy Sec. Rene Almendras ang ipapalit ni Pangulong Aquino sa nagbitiw na si DOTC Sec. Jose de Jesus.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, pawang espekulasyon pa lamang umano ang lahat ng pangalang lumilitaw na posibleng pumalit kay de Jesus na epektibo ang pagbibitiw sa DOTC sa June 30.
Magugunita na mismong ang Pangulo ang nagsabi sa ‘coffee with the media’ sa ambassador’s residence sa Brunei na ang ipapalit niya kay de Jesus ay dating miyembro ng Gabinete ng kanyang ina.
Ang dating DOTC head ni yumaong Pangulong Cory ay si Oscar Orbos na ginawa ding executive secretary sa huling bahagi ng termino ni Mrs. Aquino.
Samantala, lumutang na ang pangalan ni retired Gen. Rex Piad bilang magiging kapalit naman ni Ernesto Diokno sa Bureau of Corrections.
- Latest
- Trending
















