^

Bansa

Driver ng killer bus hawak na ng QC police

- Ni Angie dela Cruz -

Manila, Philippines - Hawak na ng Quezon City police ang bus driver na aksidenteng nakabundol sa taxi na sinasakyan ng UP prof-journalist na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan matapos duma­ting sa Maynila kahapon ng madaling araw at agad na idiniretso sa headquarters ng Quezon City Police District (QCPD) sa Camp Karingal upang harapin ang mga rekla­mong isinampa laban sa kanya.

Mula Davao ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang Philippine Airlines Flight PR-822 lulan si Daniel Espinosa na sinalubong nina Police Chief Inspector Rodel Marcelo at mga tauhan ng District Traffic Enforcement Unit ng QCPD na dumating naman sa Camp Karingal dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Agad na sumailalim sa medical examination si Espinosa pagdating nito sa Karingal bilang bahagi na rin ng routine procedure.

Nilinaw naman ni QCPD Director Police Chief Supt. George Regis na hindi umano maitutu­ring na under arrest si Espinosa.

Kaugnay dito, hiniling ni Espinosa sa pamamagitan ng kaniyang abogado na si Atty. Salvador Panelo na manatili na lamang na under protective custody ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD upang matiyak ang seguridad nito.

Itinakda ng QC court  na isagawa ang preliminary investigation kay Espinosa sa Mayo 30 sa halip na sa Mayo 27 kaugnay ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property at abandonment.

Samantala, binigyan naman ng 10 araw ang kampo ni Espinosa para magsumite ng counter affidavit kaugnay sa mga nabanggit na kaso.

Sinabi naman ni Regis na posibleng nagawa ni Espinosa na magtago sa Davao dahil nais umano nito na matiyak ang kaniyang kaligtasan.

Nakatakda sanang dumating kamakalawa ng hapon mula sa Davao si Espinosa matapos itong sumuko kay Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte ngunit naantala ito makaraang magkaroon ng aberya ang unang eroplanong sinakyan nito patungo ng Maynila.

Magugunita na mabilis na tumakas si Espinosa matapos na aksidenteng mabangga ng minamaneho nitong pampasaherong bus ang sinasakyang taxi ni Simbulan sa Commonwealth Avenue, QC noong Mayo 13. 

vuukle comment

CAMP KARINGAL

COMMONWEALTH AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DANIEL ESPINOSA

DAVAO

DAVAO CITY VICE MAYOR RODRIGO DUTERTE

DIRECTOR POLICE CHIEF SUPT

DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

ESPINOSA

GEORGE REGIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with