^

Bansa

Pinay kinidnap, ni-rape sa UAE!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines- Isang 44-anyos na Pinay ang inaasahang makakakuha ng hustis­ya matapos na mahuli at iharap na sa korte sa Dubai kamakalawa ang dalawang Pakistani nationals na umano’y kumidnap at gumahasa sa kanya sa isang bodega sa United Arab Emirates (UAE).

Sa report ng Khaleej Times, isang saleswoman ang Pinay habang ang dalawang Pakistani, isang 25-anyos at 22-anyos ay kapwa manggagawa sa Dubai.

Sa salaysay ng Pinay sa Court of First Instance, nakilala niya ang isa sa Pakistani (25-anyos) habang pauwi sa kanyang tinutuluyan sa Al Muttaina noong huling linggo ng Setyembre 2010 at hiningi umano ang kanyang mobile number.

Noong Oktubre 1, 2010,  tinawagan ng nasabing Pakistani ang Pinay at niyaya siyang mag-dinner sa isang shopping center subalit nang matapos silang kumain ay sapilitan umanong isinakay sa kotse  ang huli at dinala sa isang warehouse sa madilim na bahagi ng Jebel Ali Industrial Area kung saan nakatira ang isa pang suspek (22-anyos) na Pakistani.

Sa loob ng warehouse, ayon sa Pinay, nagbukas pa ng porn DVD ang unang suspek at saka inutusan siyang alisin ang lahat ng suot na damit nito at nang tumanggi ay tinakot siyang papatayin kaya wala siyang nagawa kundi sumunod. Nang maisagawa ang kahalayan ay dumating ang isa pang kasamahan ng suspek at saka ginahasa muli ang nasabing Pinay.

Inamin naman ng isang Pakistani na nakipag-sex siya sa Pinay subalit kagustuhan umano ng babae at nagkasundo na siya ay babayaran kapalit ng serbisyo nito. 

vuukle comment

AL MUTTAINA

COURT OF FIRST INSTANCE

DUBAI

INAMIN

ISANG

JEBEL ALI INDUSTRIAL AREA

KHALEEJ TIMES

NOONG OKTUBRE

PINAY

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with