Miriam payag maging poster girl ng RH bill
MANILA, Philippines - Payag na payag si Senator Miriam Defensor-Santiago na maging poster girl ng Reproductive Health Bill.
Ayon kay Santiago, wala namang masama kung gamitin siya bilang poster girl o magsusulong ng nasabing panukala upang mas maintindihan ng maraming mamamayan.
Isa si Santiago sa mga nagsusulong ng panukalang batas tungkol sa kontrobersiyal na RH Bill na tinututulan naman ng Simbahang Katoliko.
Tumanggi naman si Santiago na magbigay ng komento sa napaulat na ‘galit’ ni Mommy Dionesia, ina ng Sarangani Rep. Manny Pacquiao, matapos mistulang laitin ng senador ang kongresista na nakisali sa usapin ng RH Bill.
Nauna rito, sinabi ni Santiago na hindi na dapat sumali si Pacquiao sa usapin ng RH bill at pabiro nitong hinamon ng suntukan ang pambansang kamao.
- Latest
- Trending