^

Bansa

Lisensiya ng security agency sa takeover sa Stradcom, kinansela

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Kinansela na ang license to operate ng Unilateral Security and Safety Solutions, Inc., ang security agency na ginamit sa puwersahang pag-takeover sa Stradcom Corporation na IT provider ng Land Transportation Office (LTO), noong nakaraang taon.

Ito ang lumabas sa imbestigasyon ni Police Chief Supt Samuel Diciano, hepe ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA).

Nabatid na ginamit ang naturang security agency ng grupo nina Bonifacio Sumbilla at Aderito Yujuico, nagsabing may-ari ng Stradcom, para sa puwersahang pag-take over sa naturang kumpanya na pagmamay-ari ni Cezar Quiambao noong Disyembre 9, 2010 dahilan para matigil ang operasyon ng LTO ng may 6 na oras.

Nilusob ng may 32 security guard ng nasabing agency ang IT firm noong alas-4 ng madaling-araw na nagresulta ng pagkasugat ng ilang security guards  ng Stradcom at pagkawasak ng ilang ari-arian doon.

Batay sa administrative investigations na isinagawa ng Sosia, lumabag sa batas ang Unilateral Security and Safety Solutions kayat kinansela ng tanggapan ang license to operate nito.

ADERITO YUJUICO

BONIFACIO SUMBILLA

CEZAR QUIAMBAO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

POLICE CHIEF SUPT SAMUEL DICIANO

SECURITY

SECURITY AND INVESTIGATION AGENCIES

STRADCOM

UNILATERAL SECURITY AND SAFETY SOLUTIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with