Pinay tinodas ng mister sa US
MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na Pinay at kaibigang estudyante na kapwa graduating sa kursong accounting ang kapwa nasawi matapos na pagbabarilin ng mister ng nasabing Pinay saka nagbaril sa sarili ang huli sa isang garahe ng mga sasakyan sa San Jose State University (SJSU) sa San Jose, California, USA.
Ayon sa ulat ng The Examiner, kinilala ng pamunuan ng nasabing unibersidad at California Police ang mga biktima na sina Marcory Caliguiran, at kasamang si Thomas Kyle Williams, 26, kapwa magtatapos ng accounting degree ngayong buwan sa SJSU na may honors. Sila ay nagtamo ng maraming tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Matapos na pagbabarilin sina Marcory at Thomas, nagbaril din sa sarili ang suspek na si Napoleon Avarias Caliguiran, 54-anyos may ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng insidente.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril sa dalawang estudyante sa parking garage ng nasabing paaralan noong Mayo 10 at isinapubliko lamang sa pamamagitan ng press conference ng unibersidad.
- Latest
- Trending