^

Bansa

Pinaka-maruming ilog, sasagipin ng taga-Obando

-

MANILA, Philippines - Inilunsad ng Sanggu­niang Bayan ng Obando sa Bulacan ang programang “Sagip-Ilog” upang mawala sa listahan ang Marilao-Meycauayan-Obando river system sa “World’s Most Polluted Places” ng kinikilalang Blacksmith Institute.

Sa open forum na ginanap kamakailan sa Barangay Paco, Obando, nilinaw ni Mayor Orencio Gabriel na mahalaga ang itatayong 44-ektaryang Engineered Sanitary Landfill sa Barangay Salambao na pagdadal­han ng lahat ng basura para maiproseso at maging malinis ang tubig na dadaloy sa ilog.

May agam-agam ang mga residente sa proyektong itatayo sa lupang pag- aari ng Eco Shield Development Corporation ngunit nilinaw ng eksperto sa waste management na si Rodolfo Pagarigan na pinakamataas na antas ang itatayong landfill na titiyaking hindi kakatas ang basura at lagi itong imomonitor kasama ang iba’t ibang sektor.

“Sarado lang ang isip ng ibang sektor pero wala naman silang maiprisintang alternatibong paraan para masagip ang aming ilog,” ayon sa residenteng si Arman Liwanag. “May partisipasyon naman ang komunidad sa proyekto kaya mababantayan namin ito. Hindi naman ipapahamak ng halal na opisyales namin ang taga-Obando.”

Ayon naman kay Mayor Gabriel, panahon na para magkaisa at makipagtulungan maging ang mga residente ng Meycauayan at Marilao para mawala sa kategoryang pinakamaruming lugar sa buong mundo ang tatlong bayan dahil sa river system nito.

“Nanganganib ang kalikasang sa atin ay nagbibigay ng buhay. Ang mga ilog na dating nalalanguyan at napapangisdaan ay kulay itim at puno ng basura ngayon,” ani Gabriel. “Kailangang panga­lagaan at protektahan natin ang kalikasan upang hindi ito tulu­yang masira at mawala. Simulan natin ito sa paglilinis sa mga ilog!

ARMAN LIWANAG

BARANGAY PACO

BARANGAY SALAMBAO

BLACKSMITH INSTITUTE

ECO SHIELD DEVELOPMENT CORPORATION

ENGINEERED SANITARY LANDFILL

MAYOR GABRIEL

MAYOR ORENCIO GABRIEL

MOST POLLUTED PLACES

OBANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with