^

Bansa

Travel ban sa Batangas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sa kabila ng karai­ngan ng ilang negosyanteng nagmamay-ari ng tourist resorts na nalulugi sila ng milyun-milyon dahil sa sitwasyon ng Taal Volcano, nagpalabas pa rin ang Department of Tourism (DOT) ng travel ban sa Batangas, partikular sa apektadong lugar bunsod ng alert 2 level ng Phivolcs.

Sa nasabing advisory, pinagbabawalan na ang mga turista na magtungo o lumapit sa itinakdang danger zones sa palibot ng bulkan.

Ito’y upang makatiyak sa kaligtasan ng mga bumibisita sa Taal.

Saklaw ng travel ban ang bayan ng Talisay, ilang bahagi ng Lipa at Tanauan City, at Agoncillo, Cuenca, Sta. Teresita Laurel, Plete, San Nicolas, Mataas na Kahoy at Alitagtag.

Nangangamba ang DOT na may mga turista at residente na magtungo sa itinakdang danger zone upang mapanood ang aktibidad ng bulkan.

AGONCILLO

ALITAGTAG

BATANGAS

CUENCA

DEPARTMENT OF TOURISM

KAHOY

SAN NICOLAS

TAAL VOLCANO

TANAUAN CITY

TERESITA LAUREL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with