AFP peace-keeping forces sa Ivory Coast naipit sa gulo
MANILA, Philippines - May 6 na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y naiipit ngayon sa tumitinding karahasan sa Ivory Coast.
Ito ay matapos na tumindi ang karahasan sa lugar dahil sa pagbabangayan ng puwersa ni incumbent Ivory Coast President Lauren Gbagbo at supporters ni opposition presidential candidate Alassane Ouattara dahil sa paggiit na pareho silang nanalo sa 2010 elections.
Ayon sa report, target na umano ang headquarters ng United Nations sa Ivory Coast ng mga tagsuporta ni Gbagbo sanhi upang ma-trap ang mga Pinoy contingent sa Cote d’ Iviore at mga UN staffs sa basement ng Seborko hotel.
Kinikilala ng UN at iba pang mga bansang miyembro nito na si Ouattara ang nagwagi sa halalan sa Ivory Coast.
Bukod sa anim na sundalong Pinoy, naitala ng Department of Foreign Affairs na may 100 overseas Filipino workers (OFWs) ang nasa Ivory Coast.
Nilinaw naman kahapon ng DFA na nasa ligtas na kalagayan ang anim na Pinoy contingent base sa report ni Lt. Col. George Tagle, isa sa mga nakatalaga bilang observers sa UN Operation sa Cote d’ Iviore.
Sinabi ni Tagle na agad silang nakalikas mula sa isang bunker patungo sa ligtas na lugar. Tatlo umano sa kanyang kasamahang UNOCI observers ay nasa isang controlled area ng mga tagasuporta ni Ouattara. Ang dalawa pang sundalo ay itinalaga sa labas ng UN headquarters sa nasabing bansa at nasa ligtas na rin umanong lugar. Nakatakdang umuwi na si Tagle sa bansa, ayon sa AFP.
- Latest
- Trending