^

Bansa

MM contingency plan kasado sakaling lumindol

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - May inilatag nang contingency plan ang pamahalaan sakaling tamaan ng malakas na lindol ang bansa, partikular sa Metro Manila.

Ito ang tiniyak kahapon ni Metro Manila Development Authrority  (MMDA) Chairman Francis Tolentino kasabay ng isinagawang Earthquake Readiness of Metro Manila sa Quirino Grandstand, sa Maynila. Dinaluhan ito ng mahigit 3,000 tauhan ng operational units ng MMDA at mga kinatawan mula sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Ani Tolentino, handa na ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa posibleng idulot ng kalamidad tulad ng trahedya at pa­nanalanta sa Metro Manila.

May nakaantabay lamang umanong “Task Force Rainbow” na binuo ang MMDA katulong ang local government units (LGUs) na hinati sa apat na section. Kinabibilangan ito ng Metro Manila-North; Metro Manila-South, Metro Manila-East at  Metro Manila-West.

Layunin ng task force ang mabilisang pagtugon o aksiyon sakaling tamaan ng matinding kalamidad ang Kamaynilaan.

Kabilang sa pagsasanay ang paggamit ng mga makinarya at equipment na makatutulongs apagsalba ng mga buhay, at first aid training na kakailanganin sa panahon ng katulad na kalamidad ng lindol.  

ANI TOLENTINO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

EARTHQUAKE READINESS OF METRO MANILA

MANILA

METRO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHRORITY

METRO MANILA-EAST

METRO MANILA-NORTH

METRO MANILA-SOUTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with