Trabaho ng Senado apektado kay Mercy
MANILA, Philippines - Aminado si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na maapektuhan ang trabaho ng Senado sa sandaling makalusot sa House of Representatives ang impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez ngayong Marso dahil sila ang tatayong impeachment court.
Ayon kay Pangilinan, maraming oras ang gugugulin para dinggin ang reklamo laban kay Gutierrez bukod pa sa regular na trabaho ng mga senador na pagpasa ng mga mahahalagang panukalang batas.
Pagtutuunan na rin umano ng pansin ang ipinalabas ng 23 priority bills ng Malacanang na napag-usapan sa kauna-unahang LEDAC.
Bagaman at hindi dapat magbigay ng opinyon ang mga senador kaugnay sa impeachment complaint, sinabi ni Pangilinan na mas makakabuting mag-resign na lamang si Gutierrez.
“For the sake of decency in public office she should just get out or be kicked out,” sabi ni Pangilinan.
Sinabi naman ni Sen. Vicente “Tito” Sotto na dapat iwasan ng mga senador na magbigay ng komento at dapat maging impartial sila sa isyu dahil sila ang uupo bilang impeachment court.
- Latest
- Trending
















