^

Bansa

Special aide ni Romualdez ‘di dapat kunsintihin - Palasyo?

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ng Malacañang na hindi dapat kunsintihin ang anumang uri ng special treatment sa loob ng kulungan, kasunod ng ulat na may 24/7 aide si dating House Speaker Martin Romualdez sa Quezon City Jail.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kailangan munang magsagawa ng masusing imbestigasyon upang malaman kung bakit kailangan ng naturang aide at kung may kaugnayan ito sa kalagayan ng kalusugan ng dating opisyal.

Binigyang-diin niya na kung mapatutunayang may espesyal o maluho itong pribilehiyo sa loob ng kulungan, hindi ito dapat payagan.

Sinabi rin niyang tama ang umiiral na patakaran na hanggang alas-5 ng hapon lamang ang pagbisita sa mga bilangguan, maliban sa ilang sitwas­yon kapag ang abogado ang dumadalaw sa kliyente. (Gemma Garcia)

CASTRO

CLAIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with