^

Bansa

2 Pinoy sa US ligtas sa bitay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 Pinoy sa US ligtas sa bitay
Si Ramos, na nagmula umano sa San Nicolas, Ilocos Norte, ay nahatulang bitayin dahil sa pagpatay kay Sacramento police officer Tara O’Sullivan noong 2019. Umamin siyang nagkasala sa kasong murder noong 2024 at pormal na nahatulan ng kamatayan noong 2025.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kabilang ang dalawang Pilipino na sina Adel Sambrano Ramos at Sonny Enraca sa 548 death row inmates sa California na planong gawaran ng commutation ni California Governor Gavin Newsom, na magpapababa sa kanilang parusa mula kamatayan tungo sa habambuhay na pagkakakulong nang walang posibilidad ng parole.

Si Ramos, na nagmula umano sa San Nicolas, Ilocos Norte, ay nahatulang bitayin dahil sa pagpatay kay Sacramento police officer Tara O’Sullivan noong 2019. Umamin siyang nagkasala sa kasong murder noong 2024 at pormal na nahatulan ng kamatayan noong 2025.

Samantala, si Enraca ay nahatulang bitayin noong 1999 kaugnay ng pagpatay sa dalawang lalaki sa Riverside County noong 1994 sa parking lot ng isang pizza parlor matapos ang isang komprontasyon na nag-ugat sa mga karera ng sasakyan sa kalsada.

Napatunayang nagkasala rin siya sa pagbaril sa isang babae na nakaligtas ngunit naparalisa.

Ayon sa rekord ng korte, iginiit ni Enraca na kumilos siya bilang pagtatanggol sa sarili, ngunit pinagtibay ng California Supreme Court ang kanyang sentensiya noong 2012.

Noong 2019 ay nagpatupad si Newsom ng moratorium sa mga exe­cution sa California at wala nang naitalang bitay sa estado mula pa noong 2006. Kapag tuluyang naaprubahan ang commutation, mananatiling may bisa ang kanilang mga hatol ngunit habambuhay silang mananatili sa bilangguan nang walang pagkakataong makapag-parole.

ADEL

SONNY

TARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with