^

Bansa

Gobyerno 'double time' na mapauwi ang OFWs sa Libya

-

MANILA, Philippines - ‘Double time’ na ang ginagawang pagtatrabaho ngayon ng gobyerno upang maiuwi sa Pilipinas ang mga overseas Filipino workers na naiipit sa kaguluhan sa Libya.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, may mga susunod pang OFWs ang mga batch na dumating kahapon mula sa Libya.

Kahapon ay 97 OFWS na inilikas mula sa Libya ang sunud-sunod na dumating sa NAIA sakay ng chartered planes.

Idiniretso sila sa mismong recruitment agencies na nagpaalis sa kanila, kung saan nakatanggap sila ng tig-P5,000 financial assistance habang wala pang sweldo mula sa kanilang employer sa nasabing bansa.

Sinabi ng agency na walang naging problema ang Pinoy workers na kanilang inilikas dahil matatanggap din ang mga sahod nito na kasalukuyang pinoproseso pa at handa rin silang ipadala sa Qatar kung nanaisin ng mga ito na doon naman maging skilled workers. Malou Escudero/Ludy Bermudo

ABIGAIL VALTE

AYON

DEPUTY PRESIDENTIAL

IDINIRETSO

KAHAPON

LUDY BERMUDO

MALOU ESCUDERO

PILIPINAS

PINOY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with