^

Bansa

'Mami-miss ko siya ngayong Valentine's day' - Mrs. Reyes

- Ni Joy Cantos at Mer Layson -

MANILA, Philippines - “Mami-miss ko siya ngayong Valentine’s day.” 

Ito ang emosyonal na tinuran ni Teresita Reyes, biyuda ng nag-suicide na si dating AFP Chief of Staff at dating Defense Secretary Angelo Reyes kaugnay ng pagdiriwang ng Valentine’s day bukas.

Ayon kay Teresita, ito ang kauna-unahang Valentine’s day na hindi niya makakapiling ang kanyang kabiyak.

“For 41 years that we are together, he always give me flowers during Valentine’s day, mami-miss ko yun,” ani Teresita na sinabing nasaid na ang kaniyang mga luha sa nangyaring trahedya.

Partikular na mami-miss umano ng ginang ay ang taun-taong pagbibigay sa kaniya ng bulaklak na tulips ng asawa.

“Palagi niya akong binibigyan ng tulips. Biro ko nga sa kaniya ang mahal ng tulips lalo na pag Valentine’s Day, bakit hindi na lang niya perahin. Pero siyempre, sino ba namang babae ang ayaw na binibigyan ng bulaklak?” wika ni Teresita sa mga nakalipas na Valentine’s Day nila ng asawa.

Tiniyak rin nito na kahit wala na ang asawa ay patuloy niya itong mamahalin hanggang sa magkita silang muli sa kabilang buhay.

vuukle comment

AYON

BIRO

CHIEF OF STAFF

DAY

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

MAMI

PALAGI

TERESITA

TERESITA REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with