^

Bansa

Gen. Rosales isinabit sa Dominguez carjacking

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Mariing itinanggi ni Chief Supt. Roberto “Boy­sie” Rosales ang alegasyong sangkot siya sa Dominguez carjacking syndicate.

Base sa intelligence report ng AFP, lumutang ang pangalan nina Rosales at Supt. Napoleon Cauyan, dating pinuno ng binuwag na Traffic Management Group ng PNP Task Force, bilang mga protektor umano ng grupo.

Sa isang panayam, hinamon ni Rosales, Directorate for Integrated Police Operations sa Northern Luzon, na magpakita ng ebidensiya ang naglabas ng isyu na nagdadawit sa kanya sa nasabing sindikato.

Sinabi ni Rosales na kapag sinabing intelligence report kailangang i-verify ito bago ilabas, subalit nga­yong nailabas na nila ito kailangan anyang magpakita sila ng pruweba.

Ayon pa sa opisyal, maaring ang isyu laban sa kanya ay kagagawan ng mga grupong naapektuhan ang kabuhayan tulad ng iligal na droga na natamaan niya noong panahong siya ay nasa pamumuno pa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Posible rin anyang kagagawan ito ng ilang police officials dahil napapabalitang contender siya bilang susunod na PNP chief ng bansa.

Handa naman umano siya na harapin ang anumang imbestigasyon.

Samantala, ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta, wala umanong ganitong report ang kanilang kagawaran base sa impormasyong ibinigay ni Gen. Francisco Cruz, deputy chief of staff for intelligence ng AFP.

vuukle comment

AYON

CHIEF SUPT

FRANCISCO CRUZ

INTEGRATED POLICE OPERATIONS

JOSE MABANTA

NAPOLEON CAUYAN

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NORTHERN LUZON

TASK FORCE

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with