^

Bansa

Malaking katipiran ng Marikina dahil sa patas na bidding

-

MANILA, Philippines –  Malaki ang matitipid ng kaban ng Marikina City ngayong taon dahil sa nagsumite ng mababang presyo sa pangongolekta ng basura ang nanalong contractor matapos ng public bidding.

Ayon kay City Engr. Alfonso Espiritu, chairman ng bids and awards committee, ang Interna­tional Solid Waste Inte­grated Management Spe­cialist, Inc. (ISWIMS) ang pinaka-mababang nag-submit sa lahat ng 12 sumali sa bidding, ay sisingil lamang ng P2,200 kada trip ng kanilang truck samantalang ang dating contractor, ang IPM Construction and Development Inc. ay sumi­singil ng P4,900 per trip.

Ang IPM Construction ay naging contractor ng city government ng halos 15 taon, na panahon nina dating mayor Bayani Fernando at ang kanyang maybahay na si Marides, ayon sa city hall officials.

“Now, Marikina will benefit from this by using the huge savings for other priority projects like dredging and other infrastructure projects,” ayon kay Mayor Del de Guzman.

Ang siyudad ng Ta­guig­ ay nakatipid din ng P7 milyon garbage fees ng pinalitan nila ang IPM Construction na maging­ garbage hauler kama­ka­ilan.

Nagpasalamat din si de Guzman sa mga sumaling contractors na nirespeto at sinunod ang kanilang bagong patakaran matapos batikusin ng ibang grupo na ang bidding ay para sa lamang sa pinapaborang contractor.

ALFONSO ESPIRITU

BAYANI FERNANDO

CITY ENGR

CONSTRUCTION AND DEVELOPMENT INC

GUZMAN

MANAGEMENT SPE

MARIKINA CITY

MAYOR DEL

SHY

SOLID WASTE INTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with