^

Bansa

LTO chief pinagbabakasyon muna

-

MANILA, Philippines - Iminungkahi ng Department of Transportation and Communications (DoTC) kay LTO chief Vir­­ginia Torres na magbakasyon muna sa kanyang trabaho habang si­nasagot nito ang mga ale­gasyon at bintang ng Stradcom Corporation na nakipagsabwatan ito sa nabigong pagkubkob sa Stradcom building noong nakaraang buwan.

Ginawa ni DoTC Sec­. Jose de Jesus ang pahayag upang masiguro at maprotektahan ang pro­seso ng imbestigasyon at hindi din madamay ang pinangangalagaang integridad ng  kanyang ahensiya sa kinasasangkutang kaso..

Gayunman, sinabi ni de Jesus bagamat na­isumite na sa tanggapan ng Department of Justice ang naturang kaso, ay bahala na umano ang DOJ na magsiyasat at sumuri sa mga posibilidad kung talagang nakipagsabwatan si Torres at executive assistant nito na si Menelia Mortel sa grupo ng mga negosyanteng nais kumubkob sa Stradcom building na sina Bonifacio Sumbilla at Aderito Yuico.

Nagsagawa ng pagdinig ang DOJ nitong Martes subalit hindi dumating si Torres at grupo ni Sumbilla dahil sa busy umano nitong schedule.

Ipinirisinta ng Stradcom ang kanilang mga ebidensiya kabilang ang kopya ng CCTV tapes at ang report ng Urduja Security Services na inutusan umano sila ni Torres na huwag makialam sa gulo isang araw bago ang insidente.

ADERITO YUICO

BONIFACIO SUMBILLA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

GAYUNMAN

MENELIA MORTEL

SHY

STRADCOM

STRADCOM CORPORATION

URDUJA SECURITY SERVICES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with