^

Bansa

Dalagita pinilahan ng bf, 2 tiyuhin

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Napariwara ang isang 15-anyos na dalagita matapos umanong ilugso ang puri nito ng kaniyang nobyo at ipinasa pa sa dalawa umanong tiyuhin ng bf nitong Lunes ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Positibo umanong nawala ang pagka-birhen ng biktima na itinago sa pangalang “Kristine” base sa inisyung medical examination ng Philippine General Hospital (PGH) na tumutukoy na nagkaroon ng lacerations sa ari at sa puwit ang biktima.

Bigo namang maaresto sa follow-up operation nina C/nsp. Anita Araullo, hepe ng Manila Police District-Women and Children Concern Division ang mga suspect na sina ”John”, 17, na nobyo ng biktima at mga tiyuhin nito na sina Willy Agipayon, 29, ng Tugatog, Malabon at Richard Gayone, 30, ng Sampaloc, Maynila.

Nabatid na dakong alas-11 ng gabi ng Disyembre 27 nang maganap ang insidente sa isang kubo, malapit sa ilog na sakop umano ng Sta. Mesa, Maynila. Dahil sa natanggap na text mula sa nobyo ay nagtungo ang biktima sa tagpuan at doon ay dinatnan na nag-iinuman ang mga suspect at isa pang di kilalang babae.

Nang tagayan siya ay hindi na umano nakatanggi sa banta ng nobyo na babatukan siya hanggang sa makaramdam ng antok dahil sa nainom.

Nang tumunog ang cellphone ay nagising siya at nabigla dahil katabing nakahubad ang nobyo at naramdaman niya na pinatungan siya ni Agipayon. Hindi umano siya makapanlaban dahil sa panlalata hanggang sa sumunod pa umanong pumatong si Gayone at ang huli ay muling pagpatong umano ng nobyo. Nang muling makatulog at magising ay nakita niyang kapwa wala silang saplot ng nobyo.

Napilitang magtapat ang biktima sa ina nang mapansin umano na namumutla itong umuwi ng bahay at hirap sa paglalakad, kamakalawa ng umaga.

Sinabi din ni Kristine sa ina na inihatid pa siya ng nobyong si John sa kanilang  bahay, subalit hindi na umano nagpakita sa ina ng biktima.

Ayon sa reklamo ng ina, nagpaalam lamang na maglalaro sa computer shop ang biktima, at nang gabing-gabi na ay hindi rin umano sumasagot sa kaniyang text ang anak dahil kinuha umano ng kaibigan ang cellphone.

Inamin ng biktima na Dis. 22, 2010 lamang umano niya naging nobyo si John.

vuukle comment

ANITA ARAULLO

BIKTIMA

KRISTINE

MANILA POLICE DISTRICT-WOMEN AND CHILDREN CONCERN DIVISION

MAYNILA

NANG

NOBYO

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

RICHARD GAYONE

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with