^

Bansa

Wala pa ring number coding ngayon

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa rin epektibo ang “number coding scheme” sa Kamaynilaan dahil sa nananatiling “holiday” pa rin ito matapos na ideklara ng Malacañang.

“In line with proclamation no. 1841 series of 2009, the Number Coding scheme (UVVRP) shall be lifted on Dec. 24 (Friday), Dec. 27 (Monday) and Dec. 31 (Friday), due to said days being Non-Working Holidays,” ayon sa advisory ng MMDA.

Patuloy naman si MMDA Chairman Francis Tolentino sa pagpapaalala sa mga motorista lalo na iyong galing sa mga kasayahan at party hanggang ngayong selebrasyon naman ng pagpasok ng Bagong Taon na huwag uminom ng alak kung magmamaneho pauwi upang makaiwas sa aksidente.

Nangako rin naman ito na makikipagdayalogo sa mga sidewalk vendors upang maresolba ang ma­tinding problema sa trapiko partikular na sa mga bisinidad ng Divisoria sa Maynila at Baclaran sa Parañaque City makaraang mistulang bigyan ng “go signal” ng lokal na pamahalaan ang mga ito na okupahan ma­ging ang gitna ng mga kalsada.

Simula Enero 3, magiging puspusan na umano at istrikto ang gagawin nilang “clearing operations” sa mga iligal na vendors na mistulang nagmamay-ari ng mga kalye. 

vuukle comment

BACLARAN

BAGONG TAON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DIVISORIA

INIHAYAG

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NON-WORKING HOLIDAYS

NUMBER CODING

SIMULA ENERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with