^

Bansa

Anti-smoking sa Caloocan pinaigting

-

MANILA, Philippines – Higit pang pinaigting ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa paninigarilyo sa mga ipinagbabawal na lugar partikular na sa loob ng city hall at mga pampublikong sasakyan.

Sa ipinalabas na me­mo­randum ni Echiverri, mahigpit nang ipagbabawal ang paninigarilyo sa loob at compound ng city hall, pampublikong sasakyan at maging sa mga matataong lugar sa buong lungsod.

Ang aksiyon na ito ng alkalde ay base na rin sa pagsuporta sa Republic Act 9211 na mas kilala sa tawag na Tobacco Regulations Act of 2003.

Sinumang residente na mahuhuling naninigaril­yo sa mga ipinagbabawal na lugar ay pagmumultahin ng P500 hanggang P1,000 para 1st offense; P1,000-P5,000 sa 2nd offense at P5,000-P10,000 para sa ikatlong pagkakataon.

Bukod sa parusang ito ay posible ring matanggal sa trabaho ang mga empleyado partikular na ang mga consultants at job order (JO) na mahuhu­ling naninigarilyo sa loob at compound ng city hall.

Ang Caloocan ay isa sa pitong lungsod sa Metro Manila na tinaguriang G7 na sumusuporta sa RA 9211 na kinabibilangan ng Makati, Mandaluyong, Manila, Pasig, Marikina at Quezon City.

ANG CALOOCAN

BUKOD

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

HIGIT

MAKATI

METRO MANILA

QUEZON CITY

REPUBLIC ACT

TOBACCO REGULATIONS ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with