^

Bansa

'Truth' inihirit sa SC

- Nina Gemma Amargo-Garcia at Rudy Andal -

MANILA, Philippines – Naghain ng motion for reconsideration ang Malacañang sa Korte Suprema kaugnay sa nabasurang Executive Order no. 1 na bumuo sa Truth Commission.

Hiniling sa Korte Suprema ng pamahalaan sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) na muling suriin ang desisyon nito na nagpapawalang bisa sa Truth body na mag-imbestiga sana sa umano’y ano­malya ng administrasyon ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa inihaing motion for reconsideration ng Palas­yo sa pamamagitan ni Solicitor General Jose Anselmo Cadiz, sinabi nito na ang EO 1 ay hindi luma­labag sa equal protection clause.

Ito ay dahil sa ipinapakita lamang ng pa­mahaalan sa nasabing kautusan na wala silang intensyon na mag-discri­minate laban sa nakaraang administrasyon at hindi naman nito sini-‘singled out’ si dating Pangulong Arroyo na iimbestigahan ng TC.

Nilinaw pa ni Cadiz na hindi pinupuntirya ng Truth Commission ang isang indibidwal su­balit tumutukoy sa mga kwestiyunableng tran­saksyon ng dating admi­nistrasyong Arroyo. 

Paliwanag pa ng OSG ang nasabing kautusan din umano ay nagpapatunay na ang administrasyong Arroyo ay hindi maaring sumalang sa anumang inquiry o fact finding tulad ng nakaraang administrasyon habang ang ibang administrasyon umano ay dumaan sa katulad na imbestigasyon.

Posible umanong magresulta ito ng pagbibigay ng pabor sa administrasyong Arroyo na hindi natamasa ng mga nakaraan pang administrasyon ang pribilehiyo ng immunity sa anumang inquiry o fact finding.

Iginiit pa ni Cadiz na pinaimbestigahan din dati ni Arroyo si dating Pangulong Joseph Estrada samantalang pinaimbestigahan din nito si former President Fidel Ramos dahil sa Centennial Expo.

Gayundin ang nama­yapa at dating Pangulong Corazon Aquino na pinaimbestigahan si da­ting President Ferdinand Marcos.

Matatandaan na sa botong 10-5, idinekla ng Korte Suprema na labag sa batas ang executive order no. 1 na nagtatatag sa Truth Commission na inisyu ni Pangulong Noynoy Aquino na mayroong mandato na imbestigahan ang umanoy graft and corruption ng administrasyong Arroyo.

Naniniwala ang mayor­ya ng mga mahistrado na bukod sa paglabag sa equal protection clause ay layunin lamang ng nasabing kautusan na maghiganti sa nakaraang administrasyon.

Ayon naman kay Exe­cutive Secretary Paquito Ochoa, ang pag-apela nila sa SC ay bahagi ng kanilang hangarin na subukan ang lahat ng legalidad para mapanagot ang nakaraang administrasyon sa mga nagawang katiwalian.

ADMINISTRASYON

ARROYO

CADIZ

CENTENNIAL EXPO

EXECUTIVE ORDER

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

KORTE SUPREMA

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

SHY

TRUTH COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with