^

Bansa

Trillanes makikipagtulungan kay P-Noy

- Ni Joy Cantos /Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nakahanda ang pi­na­layang si Senador Antonio Trillanes IV na makipagtulungan sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang inihayag kahapon ni Trillanes matapos itong palayain sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame pasado alas-9:00 ng gabi nitong Martes. Iginiit nito na suportado niya ang mga programa ni P-Noy.

Si Trillanes, isa sa mga itinuturong lider ng Magdalo Group ay nasangkot sa bigong coup de etat laban sa nakalipas na administrasyon ni da­ting Pangulong Gloria Macapagal Arroyo matapos na sakupin ng may 300 opisyal at mga enlisted personnel ng militar ang Oakwood Premiere Hotel sa Makati City noong Hulyo 27, 2003.

Sa kasalukuyan ay nagpapahinga muna si Trilla­nes sa piling ng kaniyang pamilya sa kanilang bahay sa Town and Country Executive Village sa Cainta, Rizal.

Inihayag naman ni Senate President Juan Ponce Enrile na maa­ring magtungo kahit saang lugar sa Pilipinas si Trillanes maliban sa ibang bansa habang nasa ilalim pa ito ng kustodya ng Senado.

Nilinaw rin ni Enrile na hindi papayagan ng Senado na lumabas ng bansa si Trillanes hangga’t hindi ito pormal na nabibigyan ng amnestiya.Samantalang, nagtalaga na rin kaagad si Enrile ng dalawang security mula sa Office of the Sergeant-At-Arms (OSSA) para kay Trillanes.

CAMP CRAME

CUSTODIAL CENTER

ENRILE

MAGDALO GROUP

MAKATI CITY

OAKWOOD PREMIERE HOTEL

OFFICE OF THE SERGEANT-AT-ARMS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SENADO

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with