^

Bansa

Paniningil sa Smokey Mountain proj. kinuwestiyon

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hindi na umano dapat pang makakuha ni isang sentimo ang R-II Builders, Inc. sa pamahalaan bilang kabayaran sa makontrobersiyang proyekto sa Smokey Mountain Project dahil nabayaran na ito noon pang 2002.

Ito ang iginiit ng “urban poor, anti-corruption group” na kamakailan lamang ay laman ng pahayagan dahil sa sulat nito kay P-Noy na humihiling sa Pangulo na imbestigahan ang iskandalo.

Sa isang pahayag, isiniwalat ng Kapisanan Kontra Korapsyon (KKK) na mismong ang isang resolusyon sa proyekto na governing board na may petsang Hulyo 4, 2002 ang nagpapakita na ang R-II ay bayad na ng buo sa sinisingil nitong P659,274,223 mula sa proyektong nagkakahalaga ng P4.7 billion.

Anang grupo, ang ilan umano sa mga lumagda sa aprobal ng kabayaran ay si Reghis Romero na board member at kinakatawan ng R-II, Home Guaranty Corp. (HGC) na si Gonzalo Bongolan bilang chair at si Arthur Cabantac bilang alternate member sa National Housing Authority (NHA).

Nagtataka ang KKK kung bakit ang R-II ay nagsumite pa ng collection case laban sa project guarantor HGC sa Manila Regional Trial Court, na siya namang pinigil ng Korte Suprema kamakailan dahil sa kwestiyon ng hurisdiksyon.

ANANG

ARTHUR CABANTAC

GONZALO BONGOLAN

HOME GUARANTY CORP

KAPISANAN KONTRA KORAPSYON

KORTE SUPREMA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

REGHIS ROMERO

SMOKEY MOUNTAIN PROJECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with