^

Bansa

2 Pinoy nanloko ng 39 OFWs, kulong sa US!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines –  Kulong ang dalawang Pinoy matapos na mapatunayang nagkasala sa kasong forced labor sa may 39 OFWs sa Florida, USA.

Sinentensyahan ng 6 na taon at anim na buwan ang Pinoy na si Sophia Manuel, 41, habang 4 taon at 3 buwang pagkakakulong sa kasama nito na si Alfonso Baldonado, 45.

Si Manuel na itinuturong utak ng operasyon ng human trafficking at kasama na si Baldonado ay pawang nagmamay-ari ng Quality Staffing Corporation Services sa US na tumatanggap ng mga Pinoy at pinangangakuan ng trabaho bilang guest wokers.

Nabatid na kumolekta ng halagang tig-$5,000 ang mga akusado sa 39 OFWs para sa kanilang recruitment at placement fees patungo sa US upang magtrabaho.

Karamihan sa mga OFWs na nabanggit ay walang nakuhang trabaho sa Florida at nabaon sa utang habang ang iba ay napunta sa ilang hotel at resorts para sa mababang trabaho at pasahod.

Idinepensa ng isang Fil-am lawyer na si Atty. Marissa de Guzman-Cobb ang 39 OFWs para sa kanilang reklamo sa ahensya upang mahatulan ang mga akusado.

ALFONSO BALDONADO

BALDONADO

GUZMAN-COBB

IDINEPENSA

KARAMIHAN

KULONG

PINOY

QUALITY STAFFING CORPORATION SERVICES

SI MANUEL

SOPHIA MANUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with