^

Bansa

Truth Commission buwagin

-

MANILA, Philippines - Dapat umanong buwagin na ang Truth Commission dahilan inutil ito sa kawalang kapangyarihang umusig at magparusa laban sa mga tiwali sa pamahalaan.

Ito ang ginawang pagbatikos kahapon ng ‘whistle-blowers group’ sa pangunguna ni Sandra Cam na nanawagan sa Kongreso na magpasa ng batas na lilikha sa isang komis­yong may kakayahang magpairal ng pangil ng batas na uusig at magpapakulong sa mga lider ng gobyerno na gumagawa ng matitin­ding katiwalian at pang-aabuso sa karapatang pantao sa ilalim ng ka­nilang panunungkulan.

“Sa halip na yang Truth Commission na nilikha sa pamamagitan ng Executive Order No. 1 ni Pangulong Benigno Aquino III ay dapat na isang totoong Truth Commission ang likhain na tunay na tutugon sa panawagan ng tao na usigin at parusahan ang mga opis­yal na nagkasala sa panahon ng kanilang panunungkulan,” giit pa nito.

Ayon sa spokesperson ng Whistleblowers Group, wala silang tiwala sa Truth Commission na pina­ngunahan ni dating Supreme Court Justice Hilario Davide sapagkat kaduda-duda umano ang pagkatao ng dating mahistrado dahil nakinabang ito noong panahon ni da­ting Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Idinagdag nito na sayang lang ang pera, panahon at resources ng gobyerno sa Davide Truth Commission kaya dapat lang itong mabuwag na.

vuukle comment

AYON

DAPAT

DAVIDE TRUTH COMMISSION

EXECUTIVE ORDER NO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SANDRA CAM

SUPREME COURT JUSTICE HILARIO DAVIDE

TRUTH COMMISSION

WHISTLEBLOWERS GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with