^

Bansa

'Vizconde' bigong maresolba ng SC

-

MANILA, Philippines -  Nabigo kahapon ang Korte Suprema na desisyunan ang halos dalawang dekadang kaso ng Vizconde massacre at sa halip ay humingi pa ng dagdag na panahon upang makapagsumite ng kanilang revised o separate opinion.

Sa isang press conference, ipinaliwanag ni SC spokesman at Court Administrator Atty. Midas Marquez­ na bagamat matagal nang nakabinbin ang kaso ay inabutan naman na ito ng mga bagong mga mahistrado matapos na makapagretiro na ang iba na unang nagrebyu nito kung kayat makatwiran lamang ang paghingi pa nito ng dagdag na panahon.

Iginiit pa ng SC na ang buong merito ng kaso ang tinatalakay ng en banc at hindi lamang ito nakatuon sa motion for acquittal na inihain ng pangunahing suspek na si Hubert Webb dahil na rin sa pagkawala ng ilang mahahalagang ebidensya sa kaso partikular na ang semen specimen sa biktimang si Carmela Vizconde.

Bigo rin ang SC en banc na magtakda ng susunod na araw para sa muling deliberasyon sa kaso.

Ikinalungkot naman ni Lauro Vizconde ang panibagong delay sa pagresolba sa kaso, pero umaasa ito na ngayong taon ay madedesisyunan na ito ng SC.

Sa pag-aakala namang ilalabas ng SC ang desis­yon sa kaso ng pagpatay sa kanyang mag-iina kayat magdamag nagbantay sa labas ng gusali si Vizconde.

Bukod sa Vizconde, nabigo din ang Korte na talakayin ang kinukuwestiyong legalidad ng Executive Order no.1 o ang pagbuo ng Truth Commission at ang kahilingan na magkaroon ng live coverage sa paglilitis ng Maguindanao massacre. (Gemma Garcia)

CARMELA VIZCONDE

COURT ADMINISTRATOR ATTY

EXECUTIVE ORDER

GEMMA GARCIA

HUBERT WEBB

KASO

KORTE SUPREMA

LAURO VIZCONDE

MIDAS MARQUEZ

VIZCONDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with