Shalani gustong kuning leading lady ni Jinggoy
MANILA, Philippines - Plano ni Sen. Jinggoy Estrada na kuning leading lady kapag gumawa ito ng pelikula ang ex-girlfriend ni Pangulong Benigno Aquino III na si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad na bagong co-host ni Willie Revillame sa game show nito sa ABC 5.
Ayon kay Sen. Estrada, may karapatan si Shalani na pasukin ang mundo ng showbiz dahil sa ganda at galing nitong magsalita.
“Meron siyang K, may karapatan na mag-artista,” wika pa ni Estrada.
Ito ang naging reaksiyon ni Estrada nang hingan ng reaksiyon sa ginawang pagpasok ni Shalani sa TV hosting.
Sinabi pa ni Estrada na kahit hindi pumasok sa pulitika si Shalani ay tiyak na sisikat ito at kukunin ng mga movie producers.
Naging kontrobersiyal ang pagpasok ni Shalani sa TV hosting dahil makaka-partner nito si Revillame na sumuporta kay Sen. Manuel Villar Jr. sa nakaraang presidential election.
- Latest
- Trending