^

Bansa

Taguig official pumalag sa black propaganda

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Ta­guig City University official ang lumabas na ulat na nagmula sa kanya ang umano’y iligal na panini­ngil ng mga bayarin sa mga mag-aaral ng natu­rang paaralan.

Ayon kay TCU vice president for administration Prof. Ana Marie Calapit, ang mga itinalagang opisyal noong nakaraang administrasyon ni ex-Taguig mayor Freddie Tinga ang dapat sisihin sa mga kataka-takang bayarin ng mga estudyante.

Lumantad si Prof. Calapit matapos madiskubre ang mga umano’y maanomalyang patakaran pampinansyal ng mga opisyales na nangangasiwa ng TCU na itinalaga pa sa administrasyon ni Tinga.

Kasama raw dito ang kwestiyonableng fees sa mga estudyante, ghost employees, padded salaries at walang kaltas na sahod sa mga guro na panay naman ang absent.

Naniniwala si Calapit na ang naturang aku­sasyon ay bahagi ng “pa­nggugulo” kay Mayor Lani Cayetano kaya umapela siya na bigyan ng pagka­kataon ang bagong alkalde na magpatupad ng mga positibong reporma,

Nilinaw din ni Calapit na mahigpit ang kautusan ni Mayor Cayetano sa “no tuition, no other fees” bilang bahagi ng paglilinis sa TCU mula sa korupsyon at isulong ang tunay na paglilingkod sa pamamagitan ng pagbibigay ng libre at de-kalidad na edukasyon.

ANA MARIE CALAPIT

AYON

CALAPIT

CITY UNIVERSITY

FREDDIE TINGA

KASAMA

LUMANTAD

MAYOR CAYETANO

MAYOR LANI CAYETANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with