^

Bansa

Murang palibing tuloy sa QC

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Patuloy ang progra­mang “Murang Palibing” ng pamahalaang lokal ng Quezon City sa mga mahihirap na residente ng lunsod upang matulungan at madamayan ang mga ito sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.

Una nang lumagda sa isang kasunduan si Quezon City Mayor Herbert Bautista at ang mga kasapi ng QC Mortuary Association, Inc. kung saan nakasaad na magbibigay ng funeral service ang bawat kasapi ng Mortuary Association, Inc. sa halagang P6,500 para sa matatanda at P3,500 para sa mga bata kasama na ang kabaong, pagkuha ng bangkay sa kung saan man ito nagmula, pag-embalsamo at pagpapagamit ng burulan (Lunes hanggang Biyernes).

Hindi kabilang sa funeral service ang burial permit, cremation, ceme­tery lot, columbarium, niche at iba pang processing papers. Ang QC Mortuary Association, Inc. ay may 42 miyembrong punerarya.

Kailangang magsumite ng original at certified true copy ng death certificate sa social services development department ng lungsod ang sinumang nagnanais na makakuha ng tulong.

vuukle comment

ASSOCIATION

BIYERNES

INC

KAILANGANG

MORTUARY ASSOCIATION

MURANG PALIBING

PATULOY

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with