^

Bansa

Dinky naiyak sa mga kritiko

Nila - Doris Franche/Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi napigilan kahapon ni Department of Social Welfare Secretary Dinky Soliman ang mapaiyak matapos ang patuloy na pagbatikos ng kanyang mga kritiko sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) para sa mga mahihirap na ipinatutupad ngayon ng adminitrasyong Aquino.

Sa ginanap na pulong Balitaan sa Tinapayan, naluluhang ipinaliwanag ni Soliman sa kanyang mga kritiko partikular na ang Simbahang Katoliko na hindi “dole-out” ang ipinamimigay ng pamahalaan sa mahihirap.

Aniya, hindi niya matatanggap na dole-out ang kanilang ginagawa dahil  kaakibat naman nito ang ilang mga kondis­yon upang magsimulang umunlad ang pamumuhay ng isang  ordinaryong pamilya.

Sinabi ni Soliman na layon ng kanilang programa na tapusin ang  intergeneration poverty kung kayat patuloy ang kanilang ginagawang CCT sa mga mahihirap na pamilya na hindi umano naiintindihan ng kanyang kritiko.

Nilinaw ni Soliman na hindi sila nagbibigay ng pera para magpalakas sa mga tao kundi para tulungan ang may 2.3 milyon pinakamahihirap na Pilipino.

Ssinabi ni Soliman na nakatakda namang matapos ang pagtulong ng gobyerno sa may 2.3 milyon mahihirap sa 2015, kung saan ikinukunsidera ng pamahalaan na natulungan na nila para maiangat ang kabuhayan kahit papaano ng mga mahihirap.

ANIYA

AQUINO

BALITAAN

CONDITIONAL CASH TRANSFER

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE SECRETARY DINKY SOLIMAN

KATOLIKO

NILINAW

SOLIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with