^

Bansa

Batas sa common poster aalisin na

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Dapat na umanong alisin ang batas hinggil sa common poster areas, o yaong nagbabawal sa paglalagay ng mga campaign posters sa mga ipinagbabawal na lugar.

Ayon kay Comelec Law Department Head Atty. Ferdinand Rafanan, mistula namang walang silbi ang naturang batas kaya kung siya aniya ang tatanungin ay mas nais niyang tanggalin na lamang ito.

Paliwanag ni Rafanan, nagiging katatawanan lamang ang Comelec dahil kahit anong paalala ang gawin nila sa mga kandidato ay hindi sinusunod ng mga ito ang naturang batas at kahit saang lugar ay nagkakabit pa rin ng kanilang campaign materials.

Aminado rin si Rafanan na hanggang ngayon ay wala pa silang napaparusa­han dahil sa paglabag sa na­turang batas.

vuukle comment

AMINADO

AYON

BATAS

COMELEC

COMELEC LAW DEPARTMENT HEAD ATTY

DAPAT

FERDINAND RAFANAN

PALIWANAG

RAFANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with